LOVE BEHIND
She has the looks, the fashion and passion, the brain, the riches and everything. But what lacks her the most is the knowledge of love.
Magandang babae siya, sikat mismo sa university nila bilang matalinong babae, bilang head cheerleader, at sa pagiging anak ng may-ari ng isang prestige na kumpanya. Hindi masasabing mabait siya, hindi rin masasabing masama. As she always says, "It's not being sarcastic at all, it's being frank for your own exultation."
Dahil maganda siyang babae, maraming nanliligaw sa kanya. Pero dahil wala nga siyang alam sa larong pag-ibig eh hindi niya yun pinapansin. Nasasabihan na rin siya nang mangaagaw dahil kahit ang mga lalaking may commitment na sa iba eh nanliligaw pa rin sa kanya. Mangaagaw? Mukhang mali naman yun! Mga insekyora! Kaimbyerna!
"Look, people! I'm not being maldita as you've always mocked me. You insecure wannabes should just tie a metal around your boyfriends' neck as you walk, so in that way they're all yours. But let me remind you that they still have their eyes to look, make sure to blind fold them as well, alright? I'm not being sarcastic. It's for your own good, I'm trying to help." in-announce niya sa student body gamit ang isang loudspeaker.
Iba't ibang expression at opinion ang kumalat sa university habang lumalakad siya paalis. Saan ba siya pupunta? Magsusumbong kaya? Anong pakielam naman niya sa mga taong yun diba. Basta kailangan niyang makaalis sa lugar na iyun. She needs to breathe.
At kaya eto ngayon napadpad siya sa school garden. Walang tao kaya humiga siya sa berdeng berdeng damuhan.
"Napaka-tapang mo naman para gawin yun." wika ng isang lalaking lumitaw mula sa likuran niya. Hindi maipinta ang mukha ng lalaki. Nang-aasar ba siya? Pag-puri ba yun o ano? Hindi rin naman niya masolve yung equation na yun kaya naman napatayo siya kaagad.
"What are you?!" tanong niya gamit ang kanyang mataray na boses. Hindi naman pa niya kasi kilala ang lalaki, malay ba niya kung may binabalak ito. Kaya minabuti niyang magsungit agad muna para paalisin ang masamang balak ng tao, kung meron man.
"What?" natawa ang lalaki sa tanong ng babae. "Tao ako, hindi bagay." malumanay niya pang dagdag.
"So what are you doing here?! Can't you see I'm trying to rest?!"
"Go on. Hindi naman kita gagalawin, wala akong panahon sa mga babaeng ganyan ang ugali."
"You--!" maiinis pa sana siya, pero tumayo na ang lalaki at lumakad palayo.
"Sige, dyan ka na pala muna. Baka masira pa tenga ko sa karereklamo mo." pahabol niya bago tuluyang makalayo.
"Despicable guy!" inis na bulong niya sa sarili bago pa nakatulog.
***
Lumipas ang isang linggo sa kanilang university. May bagong balita, at halata naman sa mga estudyante na nasasabik sila doon. Lagi ba namang pagusapan eh.
Tanging siya lang yata ang hindi nakakaalam kung anong meron, pero ano bang pakielam niya? As long as it does not concern her, she won't care a thing.
"Ayan na siya!" sigaw ng isang studyante.
Siya? Ibigsabihin tao rin.
"Oh my gahd! Nakakaexcite! Makikilala na rin natin siya."
"Oo nga eh! Kakaiba talaga na rito siya mapapadpad."
Sino ba kasi yun? Naguguluhan na siya. May iba pa bang mas sisikat sa kanya? Oo, hindi niya gusto ang pagiging sikat dahil lang sa anak nga siya ng may-ari ng kumpanyang tanyag. Gusto niya mabibigyang pansin siya sa bagay na mismong siya ang nagpakahirap.
At eto na nga, nasolve na ang kanyang tanong.
Sino ba ang dumating? Ang babaeng kinaaayawan niya lang naman simula pagkabata. Lagi silang pinagkukumpara ng mga magulang nila dahil ang kumpanya nila ay partners kung tawagin. Hindi lang siya ang kinasusuklaman niya, kundi ang kapatid din nito.
"Oh, ayan na pala ang katapat mo eh." sabi na naman ng lalaking nakita niya noon sa school garden.
"What are you saying?" nagmaang-maangan pa siya.
"Siya oh. Diba siya lang naman ang nakakatalo sayo? I mean, maganda rin siya, sporty, mayaman, matalino, pero mabait nga lang."
Nagiinit na ang dugo niya sa sinabi ng lalaki. "How dare you!"
"You seriously need anger management." sabi na naman ng lalaki, kalmado pa rin tulad ng dati.
"What ever!"
***
Lumipas ang ilang buwan. Totoo nga, natatalo na siya sa kahit ano mang gawin niya. Lagi na rin silang pinagkukumpara ng mga studyante sa lahat ng bagay. Hindi na niya nakayanan ang lahat, kaya naman iniyak na lang niya ang dinadala sa rati niyang pinupuntahan.
Ang school garden.
"Why of all people it's her?! Is this some kind of karma or what?! Have I done something in sort of a fiend way to be punished like this?" sabi lang niya habang umiiyak.
"Hindi ka naman talaga pinarurusahan eh. Ikaw lang naman nagiisip niyan."
Ang lalaki na naman.
"Why are you here?!" tumalikod siya para punasan muna ang kanyang pisngi na dinaanan ng pumatak na mga luha.
"Hindi naman sayo itong lugar para ipalabas na bawal ang ibang tao rito."
"Fine!" papaalis na sana siya nang hilahin ng lalaki ang kanyang braso upang makabalik. "What now?!"
"Ganyan ka nalang ba lagi? Nakasigaw? Mataray at prangka? Hindi naman masama ang maging totoo, pero sana naman ilugar mo yun. Huwag mo laging isuot ang ganyang ugali, hindi na maganda sa paningin."
"Why do you care ba?!"
"Ewan ko. Para ka kasing may suot na magnet eh. You're negative and I'm your positive. Ring a bell?"
"I'll throw a bell. Shut up."
Nagulat naman siya sa sarili niya. Hindi na siya sumigaw nun at parang natauhan siya.
"Mas okay na yan. Now can I see you smile?"
"No." matigas niyang sabi.
"Sus. Pakipot ka pa, alam mo yun? Ang ganda mong babae para hindi ngumiti. Dali na. Aalis na ako pag ngumiti ka. Pleaaaase?"
Natawa na nga siya. Hindi ngiti, pero tawa nang mahina. Ngayon lang siya napangiti ng isang lalaki. Compulsive kasi siya at parang gustong gusto siyang makitang ngumiti. Na-touch naman siya dun kaya siya napabigay.
"See? Mas lalo kang gumanda." nag-ngitian sila. "Oh sige pala. Una na ako. As promised."
"Bakit ka aalis?" wika niya sa Tagalog. Una rin niya itong subok. Ang nasa isip kasi niya eh kapag foreign language ang iuusap niya eh walang makakalapit sa kanya.
Napangiti naman ang lalaki. "Diba sabi ko naman ngumiti ka lang, okay na at aalis na ako?"
"Di naman ako ngumiti nung una ah? Tumawa ako." pahayag niya. Pagkatapos nun eh nagusap lang sila hanggang sa mag-gabi na. Matapos din ang insidenteng iyun eh naging magkaibigan na sila hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob nila. Pero hindi nga lang nila sinasabi.
Ang babaeng iyun ay ma-pride. Ang lalaking iyun ay takot masaktan at ipagtabuyan. Ano namang mararating nun?
***
"I AM NOT TO BE IN BETROTHAL WITH ANYONE MOM!" sigaw niya nang malaman ang masaklap na balita.
"You have no choice, young lady. Whether you are in favor of it or not, you are to marry that fine young man."
"I WILL NOT!" huling sigaw niya bago lumabas ng opisina ng kanyang ina.
Iyak na naman siya nang iyak. Sa mga ganitong oras, isang tao lang naman ang hinahanap niya eh. Ang problema lang eh wala siya sa school garden para makita ang lalaking hinahanap niya. Hindi magipagkakaila na mahal na niya nga ito.
Habang papalapit nang papalapit ang araw ng engagement, lalo namang nahuhulog ang dalawa sa isa't isa. Wala nga lang lakas ang dalawa para sabihin ito.
Bukas. Bukas na ang araw na ayaw niyang mangyari. Dahil nga ayaw niya talagang magpakasal sa hindi naman niya kilala, gagawa talaga siya ng paraan.
Habang nasa school garden ang dalawa, namomoblema pa rin siya.
"Uhm," hindi niya alam kung paano ito sisimulan. "Pwedi ba kitang maging boyfriend?" sabi niya. Nagtaka naman siya kung bakit natawa ang lalaki.
"Bakit naman? Diba dapat lalaki ang nagtatanong ng ganyan?"
"Ha? Hindi ba pweding babae?" nagtataka niyang tanong.
"Hindi ko alam. Pero hindi muna ako papayag na maging boyfriend mo."
Para naman siyang napahiya. Naginit na naman siya. Hindi pala siya gusto? Nag-assume lang pala siya? Paano na siya? Tuluyan na ba siyang mapapako sa lalaking hindi naman niya gusto?
"Bibilin kita! Utang na loob!" bigla niyang nasabi. Desperada na siya. Ikinagulat naman itong ng lalaki.
"Ano bang sinasabi mo?"
"I'll buy you! Just name your price."
"H-ha? Alam mo hindi mo ako madadaan dyan!" unang beses sumigaw ang lalaki. "Hindi binibili ang pagibig, tatandaan mo yan. Paalam."
At naiwan siyang magisa. Mali ba? Mali ba ang bilin siya? Diba lahat naman ay umiikot lang sa pera? Iyan lang ang nasa isip niya.
***
Wala na. Wala na siyang pag-asa. Itatali na siya lalaking hindi pa niya kikilala man lang.
"Dress properly!" bilin ng kanyang ina sa kanya. Wala naman siyang magagawa kundi gawin yun. Ayaw din naman niyang ipahiya ang pangalan ng pamilya niya.
Nang makarating na sila sa meeting place, naramdaman niya ang pagiging kabado. Ayaw na ayaw niya talaga sa magaganap, pero bakit parang tila nabubuhayan siya?
Eto na...
"Good evening, Mrs. Lopez." bati ng magasawang nasa maayos din na suot.
"Likewise, Mrs. and Mr. Hastening." sagot naman ng ina niya. "This is my daughter, Beatrix."
"What a prim lady you have there." wika ni Mr. Hastening sa kanya, ngumiti na lang siya at baka wala pa siyang masabing maganda.
"If I must ask, where is your son?" tanong naman ng kanyang ina. Oo nga naman kaso. Nasaan na ang ipakakasal sa kanya?
"My apologies, Mrs. Lopez. He's running late for an unknown reason. No worries, he will be here in a minute."
"Oh, I don't mind."
"I'm sorry, I'm late." sabi ng isang lalaki.
Laking gulat naman niya nang makita niyang ang mahal niya ito. Halos lumabas na ang puso siya sa kaba at saya.
"Now that we're here and all, let's settle this." panimula ni Mrs. Hastening. "Beatrix, this is my son, Lawrence."
I know. Sagot niya sa isip. Pero dapat lang na manahimik muna siya.
"And Lawrence, this is Beatrix. The one you're about to be engaged with."
Nasurpresa ang babae dahil hindi manlang ito ngumiti, at isang "Nice to meet you." lang ang natanggap niya.
"Same." mahina niyang sabi. Gusto niyang umiyak. Masakit pala.
Nagusap lang sila tungkol sa mga bagay bagay. Venue ng engagement, date noon, at iba pang mga bagay. Tahimik lang naman ang dalawa, nagpapakiramdaman. Panay ngiti at tango lang ang dalawa sa mga magulang hanggang sa natapos na ang paguusap.
"Lawrence, Beatrix, you have to stay both in your private place together from now on."
"Huh?" napanganga lang ang dalawa.
"Yes, my dears. And we must now escort you to your ride now."
***
Ang hirap para sa kanilang dalawa ang nangyayari. Nahihiya si Beatrix dahil sa inasta niya. Hindi naman alam ni Lawrence ang nararamdaman niya. Masaya siya sa nangyari, pero naguguluhan din siya dahil baka ayaw pala sa kanya ni Beatrix.
Tahimik lang sila sa sasakyan hanggang makarating sa magarbong bahay na binili sa kanila ng mga magulang nila.
Pagkarating nila eh naghiwalay agad sila ng pinuntahan. Si Lawrence ay dumiretso sa terrace na malapit sa sala, habang umupo lang si Trix sa itim na settee at pinapanuod ang apoy na nagaaway sa fireplace.
Hindi siya mapakali. Gusto niyang kausapin si Lawrence pero natatakot siya. Ngunit napagtanto rin naman niya na walang mangyayari kung mapangungunahan siya ng takot at kaba. Kaya naman tumayo na siya at dumiretso sa lapit ni Lawrence na seryosong seryoso ang tingin.
"Galit ka ba?" tanong ni Trix
"Ako?" tinuro pa ni Lawrence ang sarili.
"Yes, who else?"
"Ohh. Ako, hindi naman ako galit."
"Talaga?"
"Oo nga. Nagtatampo lang."
"Ha? Bakit?" naguguluhang tanong ni Trix.
"Akala ko nung una gusto mo na rin ako kaya kampante na ako na papayag ka sa engagement oras na malaman mong ako yun."
"Ha?"
"Inantay ko pa kasi na makilala mo kung sino ako bago ako magsalita pa ng mga bagay-bagay. Gusto kasi kita, alam mo yun? Wala lang akong lakas ng loob."
"P-pero alam mong ako ang ipakakasal sayo in the first place?"
"Oo. Kaya nga pinoprotektahan kita."
"S-salamat." ang tanging nasabi ni Trix dahil sa sayang nararamdaman. Gusto rin siya ng kanyang fiancé.
Fiancé. Ang sarap pakinggan.
Gusto rin niyang itanong kung bakit hindi siya pumayag na maging boyfriend niya kung gusto rin naman pala niya siya.
As if on cue, sinagot ito ni Lawrence.
"Alam mo kung bakit hindi ako pumayag sa gusto mong mangyari nun? Kasi alam kong wala ka pang alam sa pagibig."
Parang na-offend naman siya nun. "So kailangang may experience na ang mamahalin mo? Ganun ba ha?!"
"Hindi." kalmado na naman siya. "Gusto ko kasing iparamdam sayo kung paano ba nararamdaman ang pagmamahal. Gusto ko ako yung manliligaw. Gusto kong maramdaman mo yung pakiramdam nang nililigawan. Gusto ko ring magbuhos ng panahon at effort para mapasaakin ka. Para kapag naging tayo, hindi ka magd-doubt. Para kapag nagka-misunderstanding tayo eh hindi mo masasabi na napilitan ako sa kung anong meron tayo. Yun ang dahilan. Gusto kong patunayan muna ang sarili ko."
Napalitan ng sya ang nararamdaman niya ngayon. Yun pala. Yun pala ang dahilan.
"So Trix, the soon-to-be Mrs. Hastening, can I court you?"
Alam na siguro natin ang susunod na mangyayari. Let it be a mystery to all.
Or not.
***FIN
Copyright © 5/5/2012 Starine